Nakatakda nang magpadala ng Quick Response Team ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Bagyong ‘Ofel’ at ‘Pepito’.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang QR Team ay tutulong sa disaster response operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang mga bagyo.
In-activate ang QRT mula sa Central Office noong Lunes sa pamamagitan ng special order na nilagdaan ng kalihim.
Nasa100 personnel ang ipapadala ng Central Office sa mga lugar para magsilbing suporta sa mga field offices ng ahensya.
May mga nauna nang DSWD personnel ang pinadala ng ibang field offices ng ahensya sa Bicol region para tumulong din disaster response matapos ang pananalasa noon ng Bagyong Kristine.
Sa ngayon, mahigit sa P156 million humanitarian assistance ang naipamahagi na ng ahensya sa mga naapektuhang pamilya ng mga bagyong Nika, Ofel at Pepito. | ulat ni Rey Ferrer