Nagpadala pa ng 10 social workers ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Bicol Region.
Ang mga social worker na mula sa DSWD Field Office 7-Central Visayas ay tutulong sa mga evacuation center at magbibigay ng tulong sa mga apektadong komunidad.
Pagdating sa Bicol Region, agad na sumailalim sa oryentasyon ang team ng DSWD mula sa Central Visayas kasama ang mga personnel mula sa Disaster Response Management Bureau, National Resource and Logistics Management Bureau ng DSWD Central Office, at kinatawan mula sa DSWD Field Offices at CAR.
Nais nilang matiyak ang koordinasyon at epektibong pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad. | ulat ni Rey Ferrer