Walang patid pa rin ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo ngayong Nobyembre.
Batay sa pinakahuling tala ng DSWD, umakyat na sa ₱277-million ang halaga ng tulong na naipaabot nito sa mga apektadong pamilya mula sa walong rehiyon sa bansa.
Kabilang sa ipinamamahaging tulong ang family food packs at cash assistance sa mga residenteng binaha at nananatli sa evacuation centers.
Kaugnay nito, naitala sa 1.1 milyong pamilya o higit 4.1 milyong indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad.
Mayroon pa ring 49,135 pamilya o 176,205 na indibidwal ang pansamantalang nananatili sa higit 1,000 pang evacuation centers.
Una nang sinabi ng DSWD na patuloy pa rin itong naka-alerto para sa pagbibigay ng iba pang kakailanganin ng mga apektado ng sunod-sunod na bagyo.
Katunayan, nakahanda pa ang ₱2.1 billion relief resources nito kung kinakailangan. | ulat ni Merry Ann Bastasa