Sumampa na sa ₱806.2-million ang halaga na tulong na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa walang tigil nitong relief operations sa mga lalawigang naapektuhan ng magkasunod na bagyong Kristine at Leon sa bansa.
Ayon sa DSWD, kabilang sa nailaan nitong tulong ang family food packs na umabot na rin sa 1,076,723 mga kahon.
Namamahagi na rin ang DSWD ng cash assistance sa mga napinsala ang tahanan.
Kahapon lang nang pangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamimigay ng tulong pinansyal sa higit 4,000 mga mangingisda at magsasaka at pamilya nito na sinalanta ng bagyong Kristine sa lalawigan ng Batangas.
As of November 4 ay mayroon pang higit 48,000 pamilya o katumbas ng 184,905 indibidwal ang nananatili pa rin sa evacuation centers dahil sa kalamidad.
Nananatili namang naka-standby ang nasa ₱2.3-billion pang pondo ng DSWD para tugunan ang iba pang pangangailangan ng mga apektadong LGU. | ulat ni Merry Ann Bastasa