DSWD, nakapagpaabot na ng ₱125-M tulong sa mga apektado ng bagyong Nika hanggang Pepito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa ₱125-milyon ang halaga ng tulong na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na nakaranas ng hagupit ng Bagyong Nika, Ofel, at Super Typhoon Pepito.

Ayon sa DSWD, kabilang sa tulong na naipaabot na sa mga apektadong pamilya ay mga family food packs (FFPs) at non-food items tulad ng family kits at sleeping kits partikular sa mga nananatili sa evacuation centers.

Batay sa pinakahuling tala ng DSWD, nasa higit 850,000 pamilya o 3.1 milyong indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad sa walong rehiyon sa bansa.

Nananatili namang mataas ang bilang ng mga pamilyang nananatili pa sa evacuation centers na aabot pa sa higit 468,000.

Kaugnay nito, may naitala na rin ang DSWD na 518 kabahayan na labis na napinsala ng bagyo at 9,279 na partially damaged. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us