DSWD, namahagi ng cash aid sa 17,000 manggagawa sa NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 17,000 mall employees ang inaasahang makakatanggap ng financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Sinimulan na ngayong araw ng DSWD Field Office-National Capital Region ang pamamahagi ng P5,000 cash aid sa bawat benepisyaryo sa SM Mall of Asia.

Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Kabilang sa mga benepisyaryo ang security guards, salespersons, at housekeepers na nagtatrabaho sa MOA.

Makakatanggap din ng cash assistance mula sa DSWD ang mga tenant employee. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us