Ganap nang isinaaktibo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang hub nito sa bayan ng San Simon sa Pampanga.
Nakatakdang magpadala ng 10,000 hanggang 15,000 kahon ng family food packs bawat araw ang Pampanga hub sa Ilocos Region at iba pang local government units na hinagupit ng Bagyong Marce.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao,ang pag-activate sa mga hub sa Central Luzon ay para palakasin ang resource capacity, partikular para sa Northern Luzon na lubhang napinsala ng mga kalamidad.
Hanggang ngayon, patuloy ang National Resource Operations Center sa Pasay City sa pagre-repack ng family food packs upang patatagin ang stockpile ng ahensya.
Sabi pa ni Dumlao, marami pang request na natatanggap ang DSWD para sa augmentation support sa mga LGU matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine, Leon, at Marce. | ulat ni Rey Ferrer