Patuloy ang isinasagawang pamamahagi ng relief assistance ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol para sa mga residenteng naapektuhan ng nagdaang Bagyong Kristine sa Bicol Region.
Nakapagpamahagi ang DSWD Bicol ng nasa 55,628 Family Food Packs sa iba’t ibang bayan sa anim na probinsya ng rehiyon.
Mahigit 27,000 FFP ang naipamahagi sa probinsya ng Camarines Sur, 20,500 FFPs sa lalawigan ng Albay, 4,328 FFPs sa Baras, Catanduanes, 2,000 FFPs sa probinsya ng Sorsogon, at 1,700 FFPs naman sa probinsya ng Camarines Norte.
Samantala, dumating na rin ang 20 trucks mula sa Visayas na naglalaman ng 34,000 FFP sa Legazpi City, Albay. Gayundin, nasa 17,000 FFPs mula sa National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) ang naideliver na sa Pili, Camarines Sur.
Sa tala ng ahensya, umabot na sa mahigit ₱307-M ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi sa mga apektadong residente sa Bicol. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay