Nanindigan ang economic team ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na “business as usual” para sa gobyerno ng Pilipinas, sa kabila ng umiigting na tensyon sa larangan ng politika.
Sa Joint Statement na inilabas ng economic managers, kanilang inihayag ang tibay ng ekonomiya ng Pilipinas sa harap ng mga hamon sa loob at labas ng bansa.
Sa kabila ng tensyon sa pagitan ng mga mataas na opisyal ng gobyerno, tiniyak ng economic team na magpapatuloy ang operasyon ng pamahalaan at pagsisikap na makamit ang target “A” rating.
Sa katunayan, ikinatuwa ng mga ito ang mataas na credit rating ng S&P global ratings sa Pilipinas na BBB+ “positive” outlook.
Patunay anila ito ng katatagan ng bansa sa gitna ng hamon, kabilang ang mga kalamidad, geopolitical risks, tensyon sa eleksyon, global financial crisis, supply chain gaps, at cybercriminal activities.
Kabilang sa economic team si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go, Finance Secretary Ralph Recto, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at National Economic and Development Secretary Arsenio Balisacan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes