Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na makakakita ng improvement ang Pilipinas sa sektor nito ng paggawa, makaraang malagdaan ang Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework Act.
“By establishing a framework on career advancement and industry-relevant skills, this law directly addresses the issues on the lack of formal training and skill mismatches, ensuring that every Filipino can contribute and benefit from our nation’s growth,” -Pangulong Marcos Jr.
Sa ceremonial signing ng batas, sinabi ng Pangulo na palalakasin nito ang workforce ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtutok sa upskilling at development ng labor force ng bansa.
“I’m happy to note that our employment and unemployment rates improved in the past three months. With this law, I’m confident that we will be able to sustain and further improve these numbers,” -Pangulong Marcos.
Sa pamamagitan ito ng pagbuo ng framework para sa career advancement at industry-relevant skills.
Layon rin ng batas na direktang tugunan ang ilan sa mga labor issue sa bansa.
Base sa pinakahuling Labor Force Survey (LFS) ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang employment rate sa bansa ay umakyat sa 96.3% nitong Setyembre. Mas mataas mula sa 95.5% noong September, 2023.
Katumbas ito ng karagdagang 2.2 million na mga Pilipino na nagkaroon ng trabaho.
“The unemployment rate dropped to 3.7 percent in September this year from 4.5 percent 2023.” -PCO. | ulat ni Racquel Bayan