First Lady Liza Araneta-Marcos at BingoPlus Foundation, nagkaloob ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Kristine sa Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na inihatid nina First Lady Liza Araneta-Marcos at Mr. Eusebio Tanco ng BingoPlus Foundation ang malaking tulong sa mga naapektuhan ng nakaraang bagyong Kristine sa Talisay, Batangas.

Bitbit ang mga ayuda tulad ng relief packs, gamot at cash aid ay tinanggap ng mga residente at lokal na pamahalaan ng Talisay, Batangas ang tulong mula sa Unang Ginang at BingoPlus Foundation.

Sinaksihan nina Batangas Governor Hermilando Mandanas, Vice Governor Mark Leviste, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, at iba pang opisyal ang paghahatid ng tulong sa mga residente ng Talisay.

Bukod sa mga relief goods at gamot, nagkaloob din ang BingoPlus Foundation ng cash aid sa mga pamilya ng mga namatayan na nagkakahalaga ng ₱37-million.

Ang BingoPlus Foundation ay isang social development arm ng DigiPlus, ang nangungunang online gaming entertainment sa bansa.

Sila ay naglaan ng hindi bababa sa ₱100-million na pondo na ang layunin ay makatulong sa mas maraming pang Pilipino na nabibiktima ng mga kalamidad.

Isinusulong din ng BingoPlus Foundation na mas marami pang Pinoy ang magkaroon ng access sa libreng edukasyon, libreng kabuhayan, at libreng pagpapagamot.

Kaya naman binuo nila ang apat na core pillars para mapalawak pa ang mga natutulungan kung saan kabilang dito ang FutureSmart Program, KalusuganPLUS Program, KabuhayanPLUS Program, at GameSmart Program. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us