Umakyat sa $1.03-B ang naitalang foreign direct investment net inflows sa nagdaang Setyembre.
Base sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ito ay bunga ng $2.53-B na inflows at $1.51-B na outflows, mas mataas ito kumpara sa buwan ng Agosto 2024.
Ang pamumuhunan ay napunta sa ininvest na Philippine Stock Exchange -listed securities, particular sa sektor ng banking, holding firms, property, transportation, food and drinks at tobacco products.
Ang karamihan ng pamumuhunan ay nagmula sa United Kingdom, Singapore, Estados Unidos, Luxembourg at Malaysia na may pinagsamasamang kontribusyon na 88.4%.
Samantala ang pangunahing destinasyon ng outflows noong Setyembre ay sa Estados Unidos.
Para sa siyam na buwan ngayong 2024, naitala ng BSP ang foreign investment sa $3.02-B. | ulat ni Melany Reyes