Ginagawa ng Quad Comm upang imbestigahan ang isyu ng war on drugs, EJK at illegal POGO operations, pinuri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni House Minority Assistant Leader at Camarines Sur 3rd District Representative Gabriel Bordado ang isinasagawa ngayong imbestigasyon ng House Quad Committee.

Si Bordado ay kilala bilang kaalyado ni dating Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Bordado, malayo na ang nararating ng imbestigasyong “in aid of legislation” ukol sa isyu ng war on drugs, illegal pogo operations, at extra judicial killing (EJK) ng nakaraang administrasyon.

Umaasa ang mambabatas na magtutuloy-tuloy ito, upang mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng mga iligal na gawain.

Pinuri din ng CamSur solon ang QuadComm Chairs at mga interpellator, na walang pagod sa pagsisikap na mailabas ang katotohanan.

Diin nito, itinaas ng mga mambabatas ang panuntunan ng congressional inquiry na may integridad, patas at may malinaw na layunin.

Nanawagan din ito sa mga kapwa lawmaker na patuloy na magkaisa para sa katotohanan, hustisya at accountability. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us