Gobyerno, isusulong ang ilang mga hakbangin para mapabuti pa ang labor force ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang lalo pang paghusayin ang labor force survey ng Pilipinas, ilang mga hakbangin pa ang isinusulong ng pamahalaan para ihatid ang de-kalidad na trabaho sa mga Pilipino.

Ginawa ng Department of Finance (DOF) ang pahayag kasunod ng inilabas na 3.7 percent na unemployment rate ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa buwan ng Setyembre.

Kabilang dito ang isinasapinal ng National Economic and Development Authority (NEDA) na Trabaho Para sa Bayan (TPB), ang 10-year masterplan for employment generation.

Layon ng plano na pagtibayin ang “linkages” sa pagitan ng industriya, academe, at gobyerno para tugunan ang skills mismatch at paghusayin ang Filipino workforce.

Ayon pa sa kagawaran, ang “Green Skills for Green Jobs” ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ay magbibigay daan sa maraming highly technical workforce na kinakailangan sa renewable energy.

Masusi ding ipatutupad ang Artificial Intelligance roadmap and strategy para sanayin ang bagong henerasyon ng mga scientist, researchers, engineers, at development innovators.

Inaasahan ding magbubukas ng maraming opportunidad sa Filipino workforce ang  pagpapatupad ng Public-Private Partnership (PPP) Code at ang inaabangang pagsasabatas ng Corporate Recovery  and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opprotunities for Reinvigorating the Economy o CREATE MORE. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us