Naitala sa $112.43 billion ang gross international reserves (GIR) ng bansa sa nagdaang buwan ng Oktubre.
Mas mababa ng ilang puntos sa $112.71 billion noong buwan ng Setyembre 2024.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang kasalukuyang antas ng GIR ay sapat bilang buffer para sa external liquidity na katumbas ng 8.1-months ng pag-aangkat ng mga kalakal at pagbabayad ng serbisyo at pangunahing kita.
Ang bahagyang pagbaba ng dollar reserves ay dulot ng net foreign currency withdrawals ng national government mula sa kanilang deposito sa BSP upang bayaran ang mga obligasyon sa utang, sa foreign currency at iba pang gastusin. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes