Tinutugunan na ng Department of Agriculture ang mataas na presyo ng manok at itlog sa bansa.
Sa gitna ito ng reklamo ng mga poultry raisers na bumaba ang presyo ng farm gate price ng dalawang produkto.
Ayon kay United Broiler Raisers Association Chairman Emeritus Gregorio San Diego, sumadsad ang farm gate price ng manok sa P80 kada kilo.
Subalit nasa P220 kada kilo ang retail price sa kabila ng mababang demand.
Nalulugi na aniya ang mga broiler dahil aabot sa P50 kada kilo ang nawawala sa kanila.
Sa itlog naman, bumaba ang farmgate price ng P0.50 kada piraso pero nananatiling mataas ang retail price.
Sa ngayon, nasa P8 hanggang P9 kada piraso ng itlog sa mga pamilihan. | ulat ni Rey Ferrer