Halos 30,000 indibidwal, nananatili sa evacuation centers bunsod ng epekto ng bagyong Nika

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na ngayon sa higit 9,000 pamilya ang nananatili sa evacuation centers dahil sa epekto ng bagyong Nika.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), katumbas na ito ng halos 30,000 indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa 598 evacuation centers.

Karamihan sa mga ito ay mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Kaugnay nito, nasa 52,000 pamilya na ang naitala ng DSWD na apaktado ng kalamidad.

Tuloy-tuloy pa rin naman ang relief efforts ng DSWD sa mga lalawigang apektado na nakapaghatid na ng ₱3.4-milyong halaga ng humanitarian assistance. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us