Hepe ng PNP Anti-Cybercrime Group, pansamantalang inalis sa puwesto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantala na ring inalis sa puwesto si Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Director, Police Maj. Gen. Ronnie Francis Cariaga.

Nabatid na may kaugnayan ito sa ikinasang operasyon ng Pulisya sa binansagang “Mother of all scam hub” sa Century Peak Condominium sa Ermita, Manila noong October 31.

Magugunitang magkatuwang na sinalakay ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at ACG ang isang scam hub sa Century Peak Condominium kung saan, daan-daan ang naaresto kabilang na ang halos 70 dayuhan.

Una rito, isinailalim din sa Administrative Relief si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Maj. Gen. Sidney Hernia dahil sa parehong kadahilanan.

Batay sa dokumentong nakuha ng Radyo Pilipinas, ipinag-utos ni PNP Chief, Police Gen. Rommel Francisco Marbil ang pag-alis sa puwesto kina Hernia at Cariaga para bigyang-daan ang nagpapatuloy na imbestigasyon.

Tatagal ang naturang kautusan sa loob ng 10 araw. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us