Mayroon pang 23,314 pamilya o katumbas ng 94,041 indibidwal na biktima ng bagyong Kristine at Leon ang nanatili pa sa 300 evacuation centers sa Bicol Region.
Bukod sa displaced families, mayroon pang 25,204 pamilya o 102,866 indibidwals ang naninirahan sa labas ng evacuation centers.
Ang bilang na ito ay mula sa kabuuang 743,526 pamilya o 3,125,952 indibidwals na naapektuhan ng kalamidad ay mula sa anim na lalawigan sa Bicol Region.
Hanggang kaninang umaga, nakapaghatid na ang Department of Social Welfare and Development ng P287,156,335 na humanitarian aid sa komunidad at displaced families sa buong rehiyon.
Kabilang dito ang family food packs,inuming tubig, family water filtration kits, bigas, essential non food relief items, financial assistance at iba pa.
Pagtiyak pa ng DSWD na mayroon pang higit P74-M na halaga ng relief stockpiles at standby funds na handang ipamahagi sa mga apektadong pamilya. | ulat ni Rey Ferrer