Higit 380,000 family food packs, naipaabot na ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Marce hanggang Pepito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumampa na sa 386,260 Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tuloy-tuloy na distribusyon ng relief packs sa mga naapektuhan ng magkakasunod na bagyong Marce hanggang Super Typhoon Pepito.

Kasama rito ang mga nakaposisyon sa DSWD Field Offices, na-release na sa mga lokal na pamahalaan (LGUs), at mga ongoing deliveries.

Kabilang sa naabutan ng food packs ang mga residente sa Cagayan Valley region, Ilocos, Bicol region, MIMAROPA, CAR, Central Luzon, at Eastern Visayas.

Pinakamalaki ang nailaan sa Region 2 na labis na napuruhan ng bagyo. Aabot sa higit 240,000 ang ipinamahagi ritong food packs.

Kaugnay nito, aabot na rin sa ₱133-milyon ang halaga ng naipamahaging humanitarian assistance ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Nika hanggang Pepito.

As of November 19, mayroon pang 115,000 na pamilya o katumbas ng 467,050 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us