Umabot na sa higit 100,000 pamilya o katumbas ng 405,612 na indibidwal ang apektado ng ulan at bahang dulot ng bagyong Nika at ng umiiral ngayong bagyong Ofel.
Ayon sa DSWD, kasama sa apektado ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Nasa halos 9,000 pamilya naman ang nananatili sa evacuation centers.
Hindi naman tumitigil sa pagpapaabot ng tulong ang DSWD sa mga apektado ng dalawang bagyo kabilang ang pamamahagi ng family food packs.
As of November 14, aabot na sa ₱12.6-million ang nailaan nitong humanitarian assistance sa mga apektadong LGU.
Bukod pa rito, nananatiling nakahanda ang nasa ₱2.1 billion relief resources nito pantugon sa mga apektado ng kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa