Mahigit sa 400,000 benepisyaryo ang naka-wait list na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at karapat dapat na pumalit sa mga inaasahang ga-graduate na sa programa ngayong taon.
Ito ay ayon kay Director Gemma Gabuya, 4Ps National Program Manager ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), base sa September 30 record.
Nauna nang iniutos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang re-assessment ng 4Ps beneficiaries na maituturing na “non-poor” base sa Listahanan 3.
Ang re-assessment ayon na rin kay Director Gabuya, ay resulta ng reinstatement ng higit sa 700,000 beneficiaries.
Sa ngayon, minamadali na ng ahensya ang pag-facilitate ng graduation para sa households na hindi na karapat-dapat sa programa o mga benepisyaryo na wala ng anak na nag-aaral sa elementary, high school at senior high school. | ulat ni Rey Ferrer