Higit 50 ektarya ng sakahan, naapektuhan ng bagyong Nika — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala na ang Department of Agriculture (DA) ng pinsala sa sektor ng pagsasaka dahil sa umiiral na bagyong Nika.

Batay sa inilabas nitong inisyal na assessment mula sa DA-DRRM, aabot na sa 50 ektarya ng sakahan ang naapektuhan ng bagyo sa Central Luzon.

Katumbas ito ng tinatayang ₱860,000 ang halaga ng pinsala sa mga sakahan na 100% palayan.

Kaugnay nito, puspusan naman na ang mga ginagawang hakbang ng DA para matugunan ang epekto ng kalamidad sa agricultural sector.

Kabilang dito ang pagtukoy sa interventions sa mga magsasakang apektado, gaya ng pamamahagi ng farm inputs.

Tinutulungan din ang mga magsasakang makapag-loan sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us