Kabuuang 506 na retailers/resellers ng iligal na vape ang nasita ng Bureau of Internal Revenue sa nagpapatuloy na nationwide crackdown nito.
Ayon kay BIR Comm. Romeo D. Lumagui Jr., ang bilang ay mula sa dalawang linggong simultaneous at nationwide raid mula October 16- Oct. 31, 2024.
May katumbas na itong P181.6-M halaga ng
tax liability, kasama ang penalties dahil sa patong patong na paglabag sa BIR regulations gaya ng non-payment ng excise taxes, kawalan ng internal revenue stamps at BIR registration para sa vape products.
Kaugnay nito, iginiit ni BIR Comm. Lumagui na hindi ito titigil sa pag-raid ng mga iligal na nagbebenta o nagre-resell ng vape hangga’t hindi sumusunod ang vape industry sa mga batas at regulasyon sa buwis. | ulat ni Merry Ann Bastasa