Aabot na sa 50,121 kahon ng Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tuloy-tuloy na distribusyon ng relief packs sa mga naapektuhan ng bagyong Marce.
Kabilang sa naabutan ng food packs ang mga pamilyang nasalanta mula sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Ilocos, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Pinakamalaki ang nailaan sa Cagayan Valley Region na tinumbok ng bagyo. Aabot sa higit 32,000 ang ipinamahagi ditong food packs.
Batay naman sa pinakahuling tala ng DSWD DROMIC, nasa higit ₱34-million na rin ang nailaang humanitarian assistance sa mga apektado ng bagyong Marce.
Sa ngayon, mayroon pang 23 pamilya o 72 indibidwal ang nananatili pa sa evacuation centers bunsod ng nagdaang kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa