Animapu’t anim (66) na Electric Cooperative sa 41 lalawigan sa 11 rehiyon ang naapektuhan ni Super Typhoon #PepitoPH.
Ayon sa National Electrification Administration-Disaster Risk Reduction and Management Department, mula kahapon ng hapon nasa 760 mula sa 792 Munisipalidad o 95.96% ang naibalik na ang suplay ng kuryente.
May 11 EC pa ang nakakaranas ng partial power interruption habang isang EC ang wala pang suplay ng kuryente.
Kabilang sa mga lalawigan na naapektuhan ng power interruption ay ang Ilocos, Cagayan Valley, CAR, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas at CARAGA.
Samantala, nagpatupad naman ng manual shutdown ang FICELCO o First Cayanduanes Electric Cooperative para sa kadahilanang pangkaligtasan.
Abot sa 60,657 consumer connection ang apektado mula sa mga bayan ng Bagamanoc, Baras, Bato, Caramoran, Gigmoto, Pandan, Panganiban, San Andres at ilan pa.
Sa panig ng National Grid Corporation, ganap nang nakumpleto kagabi ang restoration works sa bumigay na Calbayog-Allen 69 KV transmission line.
Habang nanatili pang unavailable ang transmission lines ng Tiwi C-Pawa 69 KV Line, Naga-Libmanan 69KV Line at Naga-Lagonoy 69KV Line. | ulat ni Rey Ferrer