Higit isang milyong ektarya ng standing crops, binabantayan ng DA sa gitna ng banta ng bagyong Marce

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit nang binabantayan ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng epekto ng bagyong Marce sa sektor ng pagsasaka.

Batay sa pinakahuling pagtaya ng DA, maaaring maapektuhan ng bagyo ang nasa higit isang milyong ektarya ng standing crops kung saan mayorya ay mga sakahan ng palay.

Ayon sa DA, nasa 15.7% sa mga taniman ng palay ang nasa seedling at vegetative stage habang 48.6% naman ang nasa maturity stage na.

Mayroon ding binabantayang 75,407 ektarya taniman ng mais kung saan 22.1% ang nasa reproductive stage habang 57.1% ang nasa maturity stage.

Una na ring inabisuhan ng DA ang mga magsasaka na anihin na ang kanilang mga pananim bago mapinsala ng papalapit na bagyong Marce.

Pinapayuhan din ang mga mangingisda na iwasan ng pumalaot kung mapanganib.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang DA Regional Field Office para sa mga posibleng maapektuhang rehiyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us