Wala nang utang pang-agraryo ang 4,630 na ARB mula sa lalawigan ng Capiz.
Ito ay kasunod ng pormal na pamamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng kanilang Certificates of Condonation with Release of Mortgage (CoCRoM).
Ayon sa DAR Western Visayas, umabot sa higit P237 milyon ang kabuuang utang kasama ang interes at surcharges ng mga benepisyaryo na nabayaran na sa gobyerno alinsunod sa New Agrarian Emancipation Act (NAEA) na nilagdaan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. noong nakaraang taon.
Bukod dito, 61 na ARB mula sa Capiz ang tumanggap ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) at dagdag na 345 ARB ang tumanggap ng Electronic Titles (E-Title).
Ang pamamahagi ay pinangunahan nina Senator Imee Marcos, Assistant Secretaries Rodolfo Castil Jr. at Atty. Quintin Magsico Jr., DAR WV Regional Director Leomides Villareal, at mga lokal na pinuno ng Capiz. | ulat ni JP Hervas | RP1 Ilo-Ilo