Naglaan na ang Department of Agriculture (DA) ng ₱84.88-milyong halaga ng agricultural inputs para sa mga sakahang naapektuhan ng bagyong Nika.
Kabilang sa agri inputs na intervention ng DA ang mga binhi ng palay at mais at biologics para sa livestock at poultry na mula sa regional offices sa Ilocos Norte, Cagayan Calley, Central Luzon, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, at Northern Mindanao.
Nakahanda rin ang mga sako-sako ng bigas na mula sa National Food Authority (NFA) para ipamahagi sa LGUs, DSWD at iba pang relief agencies.
Nakastandby din ang Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong sakahan at pati na Survival and Recovery (SURE) Loan Program sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC).
Batay sa pinakahuling assessment ng DA Regional Field Office sa Cagayan Valley at Central Luzon, aabot na sa ₱151.63-million ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Nika sa sektor ng pagsasaka.
Katumbas ito ng nasa higit 11,000 ektarya ng lupaing sakahan at 9,617 magsasaka. | ulat ni Merry Ann Bastasa