Inaprubahan ng House Committee on Creatives ang substitute bill 1283 na naglalayong magtatag ng legal framework for authentication at pagpapalakas ng legal framework para sa authentication, protection and entitlement ng mga artist, makers at buyers.
Layon ng Draft Substitute Bill 1283 na irepeal ang RA 9105 o ang Art Forgery Act of 2001.
Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Committee Chair Christopher De Venecia, mahalaga ang hakbang upang tiyakin na authenticated ng mga artworks ng mga artist at proteksyon ng mga bumibili ng artworks.
Inaprubahan din ng creative committee ang substitute bills ng apat na panukalang batas na magkakaloob ng cash at non-monetary benefits and incentives for Filipino creative ang appropriating funds.
Ito’y upang bigyang-pagkilala ang mga talentong Pinoy na makapag-uuwi ng international awards gaya ng ipinagkakaloob sa mga atleta sa ilalim ng RA 10699, National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.
Ang financial rewards to excellent Filipino creatives ay para i-incentivize ang mga Pilipino sa kanilang world-class na mga gawa.| ulat ni Melany V. Reyes