Panawagan ngayon ni House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ang mas mahigpit na seguridad para kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Martin Romualdez kasunod ng nakababahalang pahayag ni Vice President Sara Duterte.
Para kay Adiong ang banta ng bise ay reckless at destabilizing at hindi dapat ipagsawalang bahala ang kaniyang mga binitiwang salita.
“Ang Pangulo at ang Speaker ay mahalagang haligi ng ating demokrasya. Anumang banta laban sa kanila ay banta rin sa seguridad ng ating bansa. It is imperative that we ensure their safety at all costs,” ani Adiong.
Iresponsable din aniya ang mga pahayag na may inutusang indibidwal ang bise para targetin ang Pangulo, First Lady, at Speaker kung siya ay i-assasinate.
Imbes aniya na pagkakaisa, tila isinulong pa nito ang karahasan.
“This rhetoric is deeply irresponsible and deeply troubling. We do not want these kind of threats be directed against anyone, not to the sitting President, the Speaker or even to the Vice President herself. Instead of fostering unity, it incites fear and division, creates an atmosphere of insecurity among the top echelon of our government and promotes a culture of violence which is diametrically opposed to the core of our democratic system of governance. We must take these threats seriously and provide heightened security for the President, the First Lady, and the Speaker,” diin niya.
Ang proteksyon aniya para sa top leaders ng bansa ay hindi lang para sa kanilang personal na kaligtasan ngunit para sa katatagan at integridad ng gobyerno.
“Ang ganitong klase ng pananalita mula sa isang mataas na opisyal ay hindi dapat binabalewala. The safety of our leaders is paramount to maintaining the trust and confidence of the people in our democratic institutions,” diin pa niya.
Panawagan pa ni Adiong na i-retract ng bise ang kaniyang mga pahayag at linawin ang kaniyang intensyon.
“Kung may mga isyung kailangang harapin, dapat itong sagutin nang maayos at direkta. Threats have no place in governance, especially against our top leaders,” dagdag pa niya.| ulat ni Kathleen Forbes