House leaders, nagpahayag ng suporta sa pagpalag ni PBBM ukol sa pagbabanta sa kaniyang buhay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng buong suporta ang ilan sa lider ng Kamara sa pagpalag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbabanta sa kaniyang buhay ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., ang ipinakitang asal ng Bise Presidente ay hindi angkop sa posisyong kaniyang hinahawakan.

“Ang pagbabanta sa buhay ng Pangulo ay hindi lang krimen – ito ay senyales ng kawalang-kakayahan na mamuno nang maayos. Ang ganitong asal ay nagpapakita ng problema kung papaano mag-isip ang isang lider na dapat ay nagtutulak ng pagkakaisa, hindi kaguluhan,” giit ni Gonzales.

Sinabi naman ni Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez, malinaw na isang banta sa bansa ang ganitong pag-uugali ng isang opisyal dahil mismong Pangulo na natin ang umalma.

“Her behavior only proves that her actions may cause discord in our people, making them a danger to the nation…Unity po ang panawagan ni PBBM, pero may bounds po ang pagkakaisa kung ang kasama niyo ay pinagbabantaan ang inyong buhay…”hindi ito simpleng pananabotahe sa ating demokrasya; ito ay isang pagsubok sa katatagan ng ating republika,” sabi ni Suarez.

Sinabi pa ni Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang pagbabanta ng karahasan sa Pangulo mismo ay hindi lamang mali kundi isang pagtataksil sa bayan.

“Ang ganitong pagkilos ay kailangang masagot ng Vice President sa ilalim ng ating batas,” diin ni Dalipe.

Kaisa ang Hiuse leaders sa panawagan ni Pangulong Marcos na igalang ang democratic processes at accountability.

Ani Gonzales, malinaw ang sinabi ng Pangulo – kailangan manaig ang batas at ang katotohanan at walang sinuman, kahit ang Pangalawang Pangulo, ang exempted dito.

Sinusugan din ng mga lider ng Kamara ang panawagan ni PBBM na makipagtulungan na lang ang Bise sa pagsagot sa kinakaharap na isyu kaysa maghasik ng kaguluhan.

“Congress has the mandate to ensure public accountability. Ang paghadlang sa mga imbestigasyon ay isang malinaw na pagsuway sa ating Konstitusyon,” sabi ni Suarez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us