Hinikayat ni House Minority Leader Marcelino Libanan si Office of the Vice President (OVP) chief of staff, Undersecretary Zuleika Lopez na humarap sa pagdinig ng Kamara at ipagtanggol ang sarili ukol sa kaugnayan niya sa umano’y maling pamamahala ng pondo ng tanggapan.
Sinabi ni Libanan, ang mga indibidwal na malinis ang konsensya ay sasamantalahin ang sa unang pagkakataon pa lang para linisin ang kanilang pangalan.
“Normally, individuals who are blameless, when asked to explain, would seize the first available occasion to clear themselves of any wrongdoing,” ani Libanan.
Hindi nakadalo si Lopez sa pagdinig nitong Lunes, ngunit binigyan ng huling pagkakataon na dumalo sa susunod na pagdinig.
Paliwanag niya, siya ay nasa U.S. upang alagaan ang kanyang may sakit na tiyahin.
Ipina-contempt naman ng komite si OVP Assistant Secretary at Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio, Gina Acosta, Sunshine Fajarda, at Edward Fajarda.
Giit ng lider ng Minorya, hindi pangkaraniwan ang paulit-ulit na pagliban ni Lopez at ng apat pang opisyal ng OVP, sa kabila ng mga paulit-ulit na subpoena.
“Their continued non-appearance, without a credible explanation, is bound to reinforce the perception that they are trying to evade responsibility for potential irregularities,” giit niya.
Ayon naman kina Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez, Chief Accountant Julieta Villadelrey, at Budget Division Chief Administrative Officer Kelvin Gerome Teñido wala silang personal knowledge kung papaano ginamit ang confidential fund.
“So the finance officer, the accountant, and the budget planning team—none of you have personal knowledge or involvement with these confidential funds, correct?” tanong ni Suarez.
Ani Sanchez, na maliban sa Bise Presidente ang direktang may kinalaman sa pangangasiwa sa naturang pondo ay sina Acosta at Atty. Lopez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes