House panel chair, hinimok na alalahanin ang mga biktima ng hazing at tokhang ngayong Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si House Committee on Human Rights Chair Bienvenido Abante sa lahat na ipagdasal ngayong Undas, ang mga pamilya ng mga biktima ng hazing na hindi pa rin nakakamit ang hustisya hanggang sa ngayon.

Gayundin ay alalahanin at mag-alay ng panalangin para sa libong biktima ng tokhang o extrajudicial killings.

Giit ni Abante na isa sa mga kalaban sa pagkamit sa hustisya ang paglimot sa mga namayapa bunsod ng mga paglabag sa batas at karapatang-pantao.

Kasabay nito umapela si Abante sa Korte Suprema na magrekomenda sa Kongreso ng mga lehislasyon para sa pagkakaroon ng patas at makatwirang deadline sa pagresolba ng mga kasong kriminal upang maibigay ang hustisya sa mga biktima.

“The right to due process is being abused at the expense of the victims. This is why we seek the guidance of the Supreme Court on this matter. We seek fairness and balance,” sabi ni Abante. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us