House Panel, inaprubahan ang panukalang turuan ang mga kawani ng gobyerno sa tamang paghawak ng kanilang pera

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng Committee on Civil Service and Professional Regulation ang panukalang nagmamandato sa Civil Service Commission (CSC) na magkaloob ng finance education program sa lahat ng state workers.

Sa ginawang pagdinig ng komite, tinalakay nito ang benepisyo ng mga kawani ng gobyerno sa paghawak ng kanilang pera, pag-iipon at pag gastos.

Ayon sa may akda ng panukala na si Bukidnon Representative Jose Manuel Alba, nakasalalay ang productivity ng mga empleyado ng gobyerno sa kanilang kakayahang pinansyal, dahil kung marami ang utang mas uma-absent ang mga ito at minsan naaapektuhan ang kanilang pag-iisip.

Nagpahayag naman ng pagsuporta ang Civil Service Commission sa panukala, upang maturuan ang mga kawani sa pag-handle ng kanilang pera.

Sa katunayan aniya ay mayroon na silang programang sinimulan katuwang ang Bangko Sentral ng Pilipinas at BDO.

Magsasagawa rin sila ng impact evaluation matapos ang anim hanggang isang taon na pagtuturo ng financial education, upang malaman ang epekto nito sa mga kalahok na government employee.

Inaprubahan din ng komite ang consolidation ng dalawang panukalang batas, na naglalayong paghusayin ang skills certificate equivalency program ng CSC at Technical Education and Skill Development Authority. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us