House Resolution No. 1897 na nagrerekomenda kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa Philippine Sports Hall of Fame in artistic gymnastics, lusot na sa committee level sa Kamara.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pasado sa House Committee on Youth and Sports and Development ang House Resolution No. 1897 na nagrerekomenda kay two-time Olympic gold medalist Carlos Edriel “Caloy” Yulo sa Philippine Sports Hall of Fame in artistic gymnastic through Philippine Sports Commission.

Ayon kay Gymnastics Association of the Philippine (GAP) Secretary General Rowena Eusuya, isang malaking karangalan sa grupo kung maikukunsidera si Yulo sa Hall of Fame.

Ayon naman kay Philippine Sports Executive Director Paolo Francisco Tatad, bagaman may mga criteria for qualification para mapabilang sa Hall of Fame, maaari silang magbigay ng special exemption dahil sa ipinamalas na kagalingan ni Yulo sa nagdaang Paris Olympics.

Samantala, inaprubahan din ng komite ang panukalang “Bayaning Atletang Pilipino Act” na magbibigay ng pagkilala sa mga national athletes at coaches, na siyang nakasaad sa tatlong panukalang batas.

Aprubado rin ng House Panel ang consolidation ng mga panukalang batas na magmamandato sa mga operators ng lahat ng future at existing government-funded sports facilities, venue at iba pang sports related infrastructure para sa pagbuo ng sustainability plan for facilities. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us