Pinasalamatan ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda si Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapatibay ng CREATE MORE law na aniya ay ang pinakamalaking pro-labor legislation.
Sabi niya, sa pamamagitan ng batas na ito ay tataas ang demand sa labor sa Pilipinas sa pamamagitan ng panghihikayat ng mga investment.
Tinutugunan din aniya nito ang matagal nang isyu ng mga investors sa mataas na singil sa kuryente sa pamamgitan ng double deduction regime.
“It also addresses the longstanding issue of high-power cost for investors, by establishing the double deduction for power expenses for those under the enhanced deduction regime. This lifts the largest roadblock to foreign direct investments in the country. By encouraging investments from outside, we increase the bargaining power of the Filipino worker, who are currently in the chokehold of a few domestic players who get to set wages.” paliwanang ni Salceda.
Ipinunto pa ng House tax chief na karamihan sa mga foreign investors, lalo na ang nasa export industry kadalasan ay nagbibigay ng mas mataas na sweldo na umaabot ng 47% na mas mataas kumpara sa average employee.
Nakapaloob din aniya dito ang karapatan sa work from home scheme ng export service sector gaya ng BPO.
“It also enshrines the right to work from home in the export service sector, especially the BPO sector. Companies who have work from home schemes will continue to be eligible for tax incentives.” dagdag ng Albay solon.
Sa pagtaya pa ng economist solon, ang bagong batas na ito ay makakaliha ng 142,000 na high quality jobs at makakapagbukas dagdag pang 860,000 na iba pang trabaho. | ulat ni Kathleen Forbes