Huling pagdinig ng Senado sa usapin ng mga POGO at pagkakasangkto dito nina dismissed Mayor Alice Guo, isasagawa sa susunod na linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinakda na sa susunod na Martes, November 26, ang huling pagdinig ng Senado kaugnay sa isyu ng mga iligal na aktibidad na ikinakabit sa operasyon ng mga Philippine offshore gaming operator (POGO), at ang pagkaksangkot dito ng grupo ni dismissed Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping.

Ayon kay Senate Committee on Women Chairperson Senator Risa Hontiveros, na nangunguna sa pagdinig, may mga bago silang impormasyon na nakuha kaugnay sa pagkakaroon ng mga espiya ng China dito sa ating bansa, na nagtatago sa mga POGO.

Sa ikakasa aniya nilang huling pagdinig, layon na linawin ang ilang mga usapin kabilang na ang tungkol sa executive order na nilabas ng Malacañang kaugnay sa pagbabawal ng lahat ng POGO operations sa Pilipinas hanggang sa katapusan ng taon.

Puna kasi ng senador, tila may loose ends o may mga malabo pa sa kautusan na ito gaya ng pagpapatupad ng POGO ban sa economic zones, bilang hindi sila sakop ng hurisdiksyon ng Philippine Gaming Corporation (PAGCOR).

Nakatanggap rin aniya ng impormasyon ang mambabatas, na may ilang mga opisyal ng gobyerno ang nagbibigay ng payo sa mga POGO na magpanggap bilang ibang lehitimong negosyo gaya ng business process outsource (BPO).

Kabilang naman sa mga ipapatawag sa gagawing last POGO hearing ng komite ni Hontiveros sina Guo, Cassandra Li Ong, Tony Yang at mag amang nahuli sa Cebu POGO hub. | ulat ni NImfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us