Iba’t ibang paninda, naglipana sa paligid ng Bagbag Public Cemetery

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kung dagsa ang tao sa loob ng Bagbag Public Cemetery, nagkalat din ang mga maliliit na negosyante na nag-aalok ng iba’t ibang paninda sa labas ng sementeryo.

Halos nag-ala-Divisoria ang eksena dito sa labas ng Bagbag Public Cemetery sa dami ng mga ibinebenta mula sa bulaklak, kandila, hanggang sa mga pagkain, damit, at mga laruang pambata.

Ayon sa ilang nagtitinda, sinasamantala nila ang Undas dahil ito lang ang pagkakataon na kumita sila ng malaki-laki.

Sa loob naman ng sementeryo, karaniwang pinagkakakitaan ang pinapaarkilang hagdan sa mga magtitirik ng kandila ng mga nasa itaas na bahagi ng apartment type na mga nitso.

Nasa sa ₱20 hanggang ₱50 ang presyo nito kada arkila.

As of 8am, mahigit na sa 6,000 na ang nagtungo dito sa Bagbag Public Cemetery at patuloy itong nadaragdagan.

Patuloy naman ang paalala sa mga bibisita o dadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay na huwag nang magbitbit ng mga ipinagbabawal gaya ng matatalim na bagay, mga sigarilyo, at vape. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us