Ika-29 na batch ng mga Pilipino repatriates mula Israel, nakauwi na sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik Pilipinas na ang nasa 76 na mga Pinoy repatriates mula sa Israel kasunod ng mga nararanasang sigalot sa Gitnang Silangan.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), hindi maitago ng mga Pinoy repatriate ang kanilang saya nang makalapag na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City ang sinasakyan nilang eroplano.

Sa naturang bilang, 69 sa mga ito ay mga caregiver, siyam ay hotel workers, at dalawang batang dependent.

Agad naman silang inalalayan ng mga kinatawan ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) habang nagbigay naman ng libreng medical at psychological check-up ang mga kinatawan ng Department of Health (DOH).

Ang sama-samang pagkilos ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay alinsunod na rin sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na naiipit sa gulo sa Gitnang Silangan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us