Ilang commissioners ng COMELEC, nagtungo sa Amerika para obserbahan ang naganap na eleksyon doon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na bumiyahe patungong Amerika ang ilang matataas na opisyal nito para obserbahan ang naging proseso ng halalan doon.

Ayon kay COMELEC Chair George Erwin Garcia, nais nilang tingnan at pag-aralan ang mabilis na proseso at paglalabas ng resulta ng halalan.

Inobserbahan din daw ng mga opisyal ng komisyon ang paggamit ng AI o Artificial Intelligence at Deep Fake na maaaring gawin din sa eleksyon sa Pilipinas sa susunod na taon.

Bukod sa pagtungo ng mga opisyal ng COMELEC sa Estados Unidos, nagkaroon din ng pagkakataon ang ilang opisyal nito na obserbahan ang naging proseso ng halalan sa pamamagitan ng Election Watch na inorganisa ng Embahada ng Amerika na nandito sa Pilipinas. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us