Inirereklamo ng ilang GCash users ang pagkawala ng pera sa kanilang mga account matapos umano ang ilang unauthorized transactions sa kanilang e-wallet.
Isa sa mga kilalang naglabas ng hinaing ay ang komedyante at TV personality na si Pokwang, na nagbahagi ng kanyang karanasan sa social media matapos mawala ang tinatayang P85,000 sa kanyang account.
Ayon sa pahayag ng GCash, ang insidente ay resulta ng error sa kanilang kasalukuyang system reconciliation process at limitado lamang sa ilang account.
Tiniyak naman ng GCash na ligtas ang mga account ng kanilang mga customer at kasalukuyan nilang inaayos ang mga apektadong wallet.
Nakipag-ugnayan na rin umano sila sa mga naapektuhang user at patuloy ang kanilang pag-adjust ng mga wallet para ibalik ang mga nawalang pera.| ulat ni EJ Lazaro