Ilang lalawigan sa Luzon, inilagay sa Alert Level Charlie

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinaas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Alpha hanggang Charlie sa ilang lalawigan sa Luzon dahil sa banta ng bagyong Nika.

Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), posibleng makaranas ng lakas ng hanging hanggang 120km/h at matinding mga pag-ulan ang mga lalawigan ng:

Ifugao
Isabela
Ilocos Sur
Ilocos Norte
Cagayan
Kalinga
Quirino
Mountain Province
Abra
Apayao
Aurora
Nueva Vizcaya
Benguet

Alert Level Bravo naman na may heavy to intense rains ang inaasahan sa:

Pangasinan
Nueva Ecija
La Union.

Habang nasa Alert Level Alpha ang mga lugar ng:

Pampanga,
Zambales
Tarlac
Bulacan
Camarines Norte
Quezon
Camarines Sur
Metro Manila
Laguna
Rizal
Catanduanes

Una nang iniutos ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa mga LGU na daraanan ng bagyo na maghanda na ng evacuation at maagang magdeklara ng suspensyon ng klase.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us