Ilang mga senador, nais padagdagan ang panukalang pondo ng OVP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 8 senators, interesado na padagdagan ang OVP funds para sa susunod na taon ayon kay Senador Joel Villanueva.

Matatandaang mula sa orihinal na 2.03 billion pesos pesos na alokasyon para sa OVP sa ilalim ng 2025 national expenditure program (NEP), tinapyasan ito ng kamara ng isang bilyong piso at ginawang 733 million pesos na lang.

In-adopt naman ng Senate Committee on Finance ang bersyon na ito ng OVP budget.

Ayon kay Villanueva, nasa pitong senador ang nakausap niya at kasama siya sa mga gustong dagdagan ang budget ng opisina ng bise presidente.

Para sa senador, nais niyang dagdagan ng 150 million pesos ang kasalukuyang 733 million pesos na panukalang 2025 budget ng OVP.

Pangunahing konsiderasyon ni Villanueva sa pagnanais na dagdagan ang panukalang pondo ng OVP ay ang mga empleyado ng opisina na sinasabing mawawalan ng trabaho sa mga satellite offices dahil sa budget cut.

Pinunto pa ni Villanueva na ang higit 2 billion pesos na original budget request ng OVP ay inaprubahan ng ehekutibo at masyado naman aniyang malaki ang tinanggal ng kamara dito.

Binigyang diin naman ng mambabatas na hindi niya tinitingnan ang personalidad kundi ang pangangailangan ng isang opisina. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us