Ilang pangunahing kalsada sa Maynila, isasara simula mamayang gabi para sa isang running and music even

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isasara simula mamayang gabi ang ilang pangunahing kalsada sa Lungsod ng Maynila bilang bahagi ng pagsasagawa ng Asics Rock ‘n Roll Manila, isang running at music event na gaganapin bukas, Nobyembre 24.

Simula 9:00 PM ngayong Nobyembre 23 hanggang 6:00 AM bukas, isasara ang mga sumusunod na kalsada: Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang President Quirino Avenue; Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive; Katigbak at South Drive; Independence Road; Padre Burgos Avenue; Maria Orosa Street; Finance Road; bahagi ng Taft Avenue; Muralla Street; Real Street; at Sta. Lucia Street.

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta tulad ng Ayala Boulevard, Kalaw Avenue, P. Ocampo Street, at Magallanes Drive, kung hindi maiwasang madaan sa lugar. Para naman sa mga truck at trailer, inirerekomenda ang paggamit ng Capulong Street, Yuseco Street, at Lacson Avenue.

Asahan ang pagbagal ng trapiko sa nasabing lugar kaya hinihikayat ang mga motorista na gumamit ng mga nabanggit na mga alternatibong ruta at planuhin nang maaga ang kanilang dadaanan gayundin ang pagiging updated sa mga traffic advisories upang mabawasan ang abala habang isinasagawa ang nasabing kaganapan | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us