Iloilo solon, binigyang diin ang importansya ng AKAP para sa mga minimum wage earner

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang kahalagahan ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa mga minimum wage earner.

Kasabay ito ng nakatakadang pagsalang ng 2025 General Appropriations Bill sa Bicameral Conference Committee ngayong araw.

Sa bersyon kasi ng Senado, inalis nila ang P39 billion na pondo ng AKAP na malaking tulong sana aniya sa may 12 million na low-income na mga Pilipino.

“Napakalaking tulong nitong AKAP sa mga manggagawang kulang ang kinikita. Under the AKAP, we are able to help those who are also helping themselves,” sabi ni Garin.

Punto ng Iloilo solon, nagsisilbing safety net para sa mga indibidwal na kapos ang kita na hindi naman sakop ng tradisyunal na social protection programs.

Pangunahing benepisyaryo ng AKAP ang mga indibidwal na hindi naman kabilang sa pinakamahihirap na sektor na lantad sa mga hamong pang-ekonomiya gaya ng inflation.

“This program bridges the gap for those who are ineligible for regular assistance yet are vulnerable due to low wages and the high cost of food and other essential items,” diin niya. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us