Sinamantala na ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa pulong ng Quad Comm nitong Miyerkules, para maisilbi ang imbitasyon sa kaniya.
Dumalo si VP Duterte sa Quad Comm para suportahan ang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nagsisilbing resource person sa pagdinig ukol sa isyu ng war on drugs at extra judicial killings.
Ang committee secretary ng House Blue Ribbon Committee ang nag abot ng imbitasyon sa bise presidente na kaniya namang tinanggap at pinirmahan.
Ito ay para sa imbestigasyon ukol sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President o OVP at Department of Education noong siya pa ang kalihim.
Nakasaad dito na imbitado si VP Duterte na humarap sa pagdinig sa November 20. | ulat ni Kathleen Forbes