Indonesia, walang hininging kapalit sa pagpayag na sa Pilipinas na ituloy ang sintensya ni Mary Jane Veloso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang hininging ano mang kapalit o prisoner exchange ang Indonesia, sa ginawa nitong pagpayag na sa Pilipinas na ipagpatuloy ni Mary Jane Veloso ang kaniyang sintensya.

“The Indonesians have not requested any payback, for this. May I clarify, this is not in return for anything. Of course, from ASEAN we know about debt of gratitude and that similarly they may request something for us in the future but right now they are not asking anything in return for this arrangement.” -de Vega.

Kung matatandaan si Veloso ay nasa death row ngayon ng Indonesia kaugnay ng kasong drug trafficking, simula pa noong taong 2010.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DFA Usec Eduardo de Vega, na ang pagpapauwi kay Veloso ay nagpapakita sa matatag na liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng pagkakaibigan nila ni Indonesian President Prabowo Subianto.

“It just showed of the strong leadership of our President, his friendship with the new President of Indonesia and the commitment of the Philippine government for our overseas nationals.” -de Vega

Ayon kay de Vega, sa harap rin ito ng worldwide trend na nananawagan na ibasura na ang pagpapataw ng death penalty ng mga bansa.

Paglilinaw ng opisyal, hindi lamang naman ang Pilipinas ang bansang humihiling ng repatriation ng mga dayuhang naka-detain ngayon sa Indonesia.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na malinaw sa Indonesian Government na walang death penalty sa Pilipinas.

Ibig sabihin, batid rin nila na hindi imposibleng magawaran ng Presidential Clemency si Veloso. Hindi man agad-agad, ngunit kalaunan sa oras na maiuwi na ito sa bansa.

“So, when she gets here, if she gets here, she will not immediately be released. It means, we will commit to detain her until such time that [there’s a] mutual agreement that she could be given clemency.” —de Vega. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us