Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tumutugma ang October inflation outturn na 2.3 percent sa kanilang forecast range na 2.0 to 2.8 percent.
Base sa assessment ng BSP, patuloy ang pagbaba ng inflation sa mga susunod na buwan dahil sa pagluwag ng supply pressures sa mga pangunahing presyo ng pagkain partikular ang bigas.
Gayunpaman, sinabi ng BSP na ang “balance of risk” para sa inflation outlook sa 2025 hanggang 2026 ay nasa upside risk. Dahil sa posibleng adjustment sa presyo ng kuryente, at mas mataas na minimum wages sa ibang lugar sa labas ng Metro Manila.
Habang ang downside factors ay bunsod ng impact ng mas mababang taripa ng imported na bigas.
Tiniyak ng BSP, na pananatilihin ng Monetary Board ang maingat na diskarte sa kanilang easing cycle upang matiyak ang price stability, na susuporta sa tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya at pagpapalakas sa trabaho. | ulat ni Melany Valdoz Reyes