Kapwa positibo ang Pilipinas at Amerika na makatutulong sa mga hamon sa teritoryo ang itatayong Combined Coordinating Center (CCC) bilang pagpapatibay ng alyansa ng dalawang bansa.
Ito ang tinuran ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Genetal Romeo Brawner Jr. sa isinagawang groundbreaking ng CCC sa Kampo Aguinaldo.
Ayon kay Brawner, mapalalakas nito ang pagtugon ng magkaalyadong bansa hindi lamang sa Disaster Response kungdi maging sa Maritime Security Operations.
Sa panig naman ni US Secretary of Defense Lloyd Austin III, binigyan nito ang istratehikong kahalagahan para sa pagtugon sa tinatawag na regional challenges. | ulat ni Jaymark Dagala